Dengue patients siksikan na sa QMMC

NAGMISTULANG sardinas sa lata ang mga pasyenteng may dengue sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City, kaninang umaga.

Sinabi ni Erwin Lorenzana, nurse na nakaduty sa emergency room ng QMMC, bigla umanong lumubo ang kaso ng dengue patients at umabot ang bilang sa 66.

Kaya aniya napunong bigla ang loob ng kanilang pediatric ward na ang isang higaan ay dalawa hanggang tatlong paslit ang umuokupa.

Ayon naman kay Dr. Antoinetta Inumerable, hepe ng Quezon City Health Department  (QCHD), karamihan sa mga tinamaan ng naturang sakit ay mga kabataan na ang edad ay 3 hanggang 10.

Dahil dito, tumaas aniya sa 159 porsiyento ang naitalang kaso ng dengue sa QC ngayong taon dahil mula Enero hanggang Hulyo ay pumalo sa mahigit 2,500 kaso ang naitala nila.

Sa kabila nito, sinabi ni Inumerable na tuloy-tuloy naman ang kanilang kampanya para mapigilan ang pagdami ng mga lamok sa pamamagitan ng paglinis sa mga kapaligiran na pinamumugaran nito.

Ang mga lugar na may pinakamataas na antas ng dengue outbreak ay ang sakop ng District 2 gaya ng Commonwealth, Payatas, San Bartolme, Tandang Sora, Batasan Hills at Fairview.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply