Dengue posibleng mauwi sa pagkabulag

MAAARING mauwi sa pagkalabo ng paningin hanggang sa tuluyang mabulag ang mga pasyenteng may sakit na dengue kung hindi ito maaagapan.

Ito ang ibinabala ng Department of Health (DOH) sa pubiko lalo na sa mga pasyente na may dengue.

Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue sa bansa. Sa tala ng DOH, ngayong araw ay mayroon ng 139,000 kaso ng dengue sa bansa at posible pa itong dumami.

Ang dengue ay nakamamatay ngunit napag-alaman na kapag hindi agad ito naagapan ay maaaring mabulag ang pasyente na isang kumplikasyon ng sakit.

Kasalukuyan nang may dine-develop na bakuna ang ahensya kontra sa mapanganib na sakit. Ito ay nasa proseso pa nang pag-aaral kung magiging epektibo ba ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply