Dengue victims dumarami, mga tuko paubos na

TINULIGSA ng isang concerned citizen ang mga nanghuhuli at nagbebenta ng mga TUKO sa mga kagubatan. Kung pupuwede ay itigil na nila ang kanilang na-kasisirang gawain.

Kasabay ng pagtuligsa ang panawagan ng nasa-bing mamamayan  sa mga kinauukulan, partikular na ang mga environmentalist, na mabigyan ng kaukulang aksyon ang ginagawang pananamantala sa pag-ubos sa mga ‘endangered mammals’ sa ating mga kagubatan.

Ang unti-unting pagka-ubos ng mga ‘tuko’ ang siyang dahilan ng pagdami ng nakamamatay-tao na sakit na ‘dengue.’

Kaunti na lang daw kasi ang mga ‘tukong’ kumakain ng mga lamok!

Basahin natin ang nilalaman ng text message ng concerned citizen.

Gud am, Sir Johnny, sampu ng mga kasamahan ninyo sa Remate. Sana sa pamamagitan ng kolum ninyong Juan de Sabog, nais kong iparating sa kinauukulan, lalo na ang mga nanghuhuli at nagbebenta ng mga ‘Tuko’, na kung maari ay tumigil na sila dahil simula nang gawin nila ang kanilang gawain, dumami na ang namatay  sa Dengue dahil kaunti na lang ang tuko na kumakain ng lamok!

I hope you will consider my humble request. Thanks and God bless you all!!!

From Mr. Gerry Monteverde.

GININTUANG PUSO

Taos pusong nagpapasalamat ang pamunuan ng Remate kay Sta. Maria, Bulacan Cong.

Linebelle Ruth Villarica sa matagumpay na ginawang medical  mission sa Bayan  ng Sta. Maria, Bulacan noong July 24 at July 31.

Cong. Villarica, mabuhay po kayo!!!

BOOKIES SA BIÑAN ANTATSABOL

Untouchable pa rin ang bookies nina Ronel at Tata Bert sa Biñan, Laguna.

May 5% ‘tongpats’  ang aso ni Mayor Lenlen Alonte na si Eng. Edu sa bookies ng dalawa.

Anomang reklamo o puna i-text lang sa 0918927-4764, 09266719269 o i-email  sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply