Dennis Trillo kapangitan talaga ang ugali

KAPAMILYA na talaga  si Paulo Avelino. Lumipat na siya sa ABS-CBN 2. Nung Lunes, August 15 . Ayaw niya lang idetalye ang nakasaad sa kontratang pinirmahan niya.

“Pero it’s a fair contract.’Yun lang” sabi ni Paulo.

Ipinaliwanag ni Paulo ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang mag-ober-da-bakod sa ABS-CBN 2.

“Never naman akong pinabayaan ng GMA 7. Nag-decide lang akong lumipat sa Kapamilya network to reinvent myself. Dun (GMA 7) na ako lumaki kaya lang dumarating talaga sa point na kailangan mong gumawa ng move para sa career mo. And so far, ito na yung pinakamalaking move na ginawa ko to reinvent myself.”

Pero sinasabing isa sa dahilan kung bakit nagdesisyon si Paulo na lumipat sa ABS-CBN 2 ay para makatrabaho niya ang young actress na si Kim Chiu. Inamin naman ni Paulo na totoo yun.

“Siyempre si Kim Chiu, hindi lang naman siya magandang mukha magaling din siya na aktres. Kaya siyempre bilang nasa kabila (GMA 7) ako at hindi ko pa nakakatrabaho yung….ewan ko si Kim Chiu talaga agad ang unang pumasok sa utak ko e,”

May nasulat na ang unang proyekto raw na gagawin ni Paulo sa ABS-CBN 2 ay isang serye na pagsasamahan nila nina Coco Martin at Julia Montes. Pero hindi pa ito makumpirma ng aktor.

“As of now, may sinabing project pero di ko pa sure.., di ko pa kilala kung sino yung ibang cast kaya hindi ko pa masasagot sa ngayon.”sey pa niya.

-0o0-

Palaban ang cast ng  My Neighbor’s Wife na sina Jake Cuenca, Carla Abellana at Lovi Poe na prodyus ng Regal Entertainment at showing sa September 14.

Sey ni Jake, ang pelikulang ito ang pinaka-daring at pinaka-sexy na nagawa niya.

“Oo, very daring yung movie. To tell you honestly, yung mga love scene na nagawa na namin, ito talaga yung pinaka-daring na nagawa ko.

“Na-challenge kami kay Direk na gawing natural at totoo, na maging professional sa set pagdating sa mga love scene namin.

“Alam mo, sa totoo lang, walang ilangan.Priority  na protektahan ang mga leading ladies namin, ang sarap katrabaho dahil madali naming natatapos ang mga eksena,” kuwento ni  Jake na ayaw ireveal kung may butt exposure siya sa movie.

How true na kinainsekyuran ng kasama niya sa movie na si  Dennis Trillo ang magandang katawan ni Jake?

-0o0-

Napaka-ungentleman ng sagot ni Dennis Trillo sa isang interbyu tungkol kay Jennylyn Mercado. May  kumakalat daw na tsismis na tinanggihan ni Jen na makatrabaho si Dennis.

“Baka siya ang tinanggihan ko, di ako ang tinanggihan niya,” walang kabuckle-buckle niyang sagot.

Ang kapal naman niya para magsalita ng ganyan. Ang yabang ng dating. Kitang-kita ang kawalan niya ng respeto sa dating nakarelasyon.

Eto lang ba ang kaya niyang sagutin samantalang nu’ng kumalat ang isyung bugbugun, nanahimik siya.

Ang kiyeme-kiyeme  niya ay pinapahalagahan niya ang mga masasayang memories at gentleman siya.

Hindi yata niya napanindigan ang dialogue niyang ‘yan at lumitaw ang tunay na kulay niya.

Ang pangeeeet! Ka-turned off,huh!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply