DENR kakasuhan ang mga may sala sa Baguio dumpsite tragedy

DAPAT umanong kasuhan sa Ombudsman ang mga Local Chief Executive (LCE) at mga nagpapatakbo ng Irisan dumpsite sa Baguio City na gumuho kamailan sa kasagsagan ng bagyong Mina na kumitil sa ilang buhay at sumira sa maraming kabahayan, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sinabi ni Environment Secretary Ramon Paje, dapat kasuhan ang mga nasabing opsiyal dahil hindi aniya sumusunod ang mga ito sa batas hinggil sa pagbabawal ng pagtatayo ng dumpsite sa kanilang lokalidad.

Gayunman ani Paje, hihintayin muna nilang maalis ang mga tambak na basura at madala sa Capas ang mga nahukay na labi bago kasuhan ang mga dapat kasuhan.

Pinayuhan ni Paje ang mga local executive na kung walang kakayahan na makapagpagawa ng landfills ay mainam na bumuo na lamang ng clusters sa mga kalapit siyudad para sa mas praktikal na pagtatapon ng basura.

Ayon sa kalihim, 2008 pa isinara ang naturang dumpsite. Ito ay umaakto na lamang ngayong material recovery facility na isang transfer station kung saan ginagawa ng local government units (LGUs) ang mga recyclable at non-recyclable wastes bago dalhin sa landfill sa Capas, Tarlac.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply