Deployment ban sa Iraq, afghanistan nakakasa pa rin

NAKATAAS pa rin ang deployment ban sa Afghanistan at Iraq subalit mananatili naman ang mga Filipino na kasalukuyang nagtatrabaho sa base militar doon at pasilidad ng Estados Unidos.

“After making an assessment of the conditions in Afghanistan and Iraq based on input from Department of Foreign Affairs (DFA), we have recommended that Filipino workers who are already employed in US military bases and installations in these countries be allowed to remain there to continue their employment,” ayon kay Ochoa.

Binigyang diin naman ni Ochoa, chairman ng Overseas Preparedness Response Team na dahil sa security reasons ay mananatiling nakakasa ang deployment ban sa mga  nasabing bansa para mag-trabaho.

Sinabi pa rin niya na inaprubahan ni Pangulong  Benigno Aquino III ang rekumendasyon noong nakaraang biyernes.

“Concerns were raised when the US military ordered all contractors last year not to hire third country nationals, whose domestic laws prohibit their citizens from traveling and working in Iraq and Afghanistan. Washington had warned that contractors caught violating the order would no longer be allowed to bid in US projects in Iraq and Afghanistan,” batay sa ulat.

Tinatayang umabot naman sa 7,000 ang pinoy na nagta-trabaho sa Iraq at Afghanistan.

Muling inulit ni Ochoa na patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang situwasyon sa dalawang bansa upang matiyak na ligtas ang mga filipino workers na mas piniling manatili sa mga naturang bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply