Deputy secretary ng NPA, natimbog ng PNP, AFP

NASAKOTE ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang deputy secretary ng
New People’s Army (NPA sa Brgy. Muntol, Bonifacio Misamis Occidental

Ang hinihinalang NPA commander ay kinilalang si Jernel Cabol, 29. Kasamang nadakip ang awtoridad ang kanyang kasamahang kinilala sa pangalang Jelio Bontiya.

Ang mga suspek ay nadakip sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa Brgy. Muntol sa hinihinalang safehouse ng mga ito.

Nakuha mula sa kanilang posisyon ang dalawang cal.45 pistol at isang hand grenade.

Si Cabol ay deputy secretary sa komiteng Tagapagpaganap Sangay ng Partidong Pamprobinsya ng Western Mindanao Regional Party Committee at may warrant of arrest dahil sa kasong frustrated murder.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply