Derrick Monasterio sure nang magkaka-album sa Sony-BMG Record

SOBRANG saya ang Tween Heart actor na si Derrick Monasterio sa pagkuha sa kanya ng Sony-BMG Records para maging artist ng international label. Kahapon lang ay nakipag-meeting na si Derrick, manager niyang si Manny Ballester at ang dalawang executives ng GMA Network na sina Joey Abacan at Tracy Garcia.

Wala pang pirmahang naganap nang nag-meeting ang magkabilang kampo ng Sony-BMG executives at GMA Network at Derrick, pero nag-agree na sila in principle sa kontratang pipirmahan ni Derrick sa recording company.

Nagkasundo ang magkabilang panig na magkakaroon ng big coverage ng press ang pagpirma ni Derrick sa Sony-BMG.

Samantala, nasabi ng manager ni Derrick Monasterio na si Manny Ballester na dahil may nagtiwala agad ang big recording company sa alagang actor-singer, mas mauunang ma-launch si Derrick bilang singer kaysa pagiging actor.

Ngayon pa lang ay maraming plano na kay Derrick ang network na kinaaaniban, ang GMA 7. Bukod sa regular na napapanood na sa Tween Hearts tuwing Sunday, may daily program pa siyang “Sinner or Saint” bilang support actor sa pinagbibidahang soap nina Bianca King at Dennis Trillo.

Gagawin ding bida si Derrick sa kanyang mga susunod na projects, pero gusto munang idevelop nang husto ang actor-singer bilang recording artist. Regular na rin siyang mapapanood sa Party Pilipinas.

Kasama rin si Derrick sa movie na Tween Academy Class of 2012 na ipalalabas na sa August 24.

***

KAHIT may problemang pampamilya ngayon si Bea Binene, hindi pa rin niya nakalilimutang tuparin ang kanyang daily routine activities bilang young actress. Sobrang close si Bea sa kanyang father, pero  may pinagdadaanan ngayon ang kanilang pamilya.

Pansamantalang humiwalay muna sa kanilang bahay ang kanyang ama. May konting di pagkakaunawaan kasi ang mother ni Bea at ang kanyang ama.

Halata lately na malungkutin si Bea dahil kahit papaano ay name-miss niya ang mapagmahal niyang ama. Two months na raw na hindi ito umuuwi sa kanilang bahay.

Pero may regular communication naman ang mag-ama. Perehong inspiration ni Bea ang kanyang ama’t ina kung bakit siya ganito kasipag magtrabaho. Magkagayunman, hindi apektado ang dalagita sa taping ng “Pahiram Ng Isang Ina.” Regular na mapapanonood ito pagkatapos ng Eat Bulaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply