DFA: 1,600 OFWs sa Libya nasa ligtas na kalagayan

INIULAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nananatiling nasa ligtas na kalagayan ang mga Pilipino sa Libya.

Ang pahayag ng DFA ay kasabay ng paalala na sa mga Pilipino sa Libya partikular sa Tripoli na huwag lumabas sa kanilang tinutuluyan o pinagtatrabahuhan sa gitna ng ulat na nakubkob na ng rebel forces ang Tripoli na siyang balwarte ni Moammar Gadhafi.

Ayon sa pahayag ngayong umaga, Agosto 23, ni Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, hindi pa rin ligtas ang paglalabas sa lansangan hangga’t hindi pa ganap na humuhupa ang kaguluhan.

Wala pa namang naiuulat na Pilipinong casualty o nadamay sa kaguluhan.

Batay sa record ng DFA, 1,600 ang kabuuang Pilipino na nagtatrabaho sa Tripoli na marami rito ang nasa pagamutan o sa mga health facilities.

Samantala, marami pa ring mga Pinoy sa Tripoli ang walang balak na umuwi sa Pilipinas sa kabila ng pagsiklab ng kaguluhan sa lugar.

Inamin ng ilang Pinoy  na randam nila ang takot at pagkabahala, at ilang gabi na silang walang tulog at tatlong araw na walang eletrisidad.

Sa kabila nito, nananatiling maayos ang kalagayan ng mga Pinoy sa kanilang lugar at patuloy pa ring pumapasok sa trabaho. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply