DFA alerto pa rin sa kaguluhan sa Syria

BAGAMAT humupa na ang tensiyon, tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mananatili  pa rin ang mga opisyal at empleyado ng embahada sa Syria.

Kaugnay nito, iniulat na wala pa umanong nakikitang dahilan ang Philippine Embassy sa Syria para itaas ng gobyerno ang alerto para sa tinatayang nasa 17,000 Filipino workers sa naturang bansa.

Ayon kay Philippine Ambassador Wilfredo Cuyugan mula sa Damascus, iniulat ng opisyal na bahagyang kumalma na ang sitwasyon sa mga lugar na napaulat na mataas ang tensyon.

Noong nakaraang linggo, itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa level 3 ang alarma sa Syria.

“Mananatili po tayo muna sa alert level 3 o voluntary repatriation. Sa ngayon po, wala tayong natatanggap na report ng gulo sa Latakia o sa alinmang lugar, pero hindi

po nangangahulugang ibaba natin ang alerto, dahil pasulpot-sulpot po ang tensyon,” ani Cuyugan.

Maliban sa panawagan para sa voluntary repatriation, tiniyak naman ng opisyal na mananatili pa rin sa Syria ang mga opisyal at empleyado ng embahada sa naturang bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply