DFA intelligence service nagbabala laban sa sindikato

NAGBABALA ngayon ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa isang sindikato na nag-aalok ng pag-aayos ng pasaporte at naniningil ng malaking halaga sa mga aplikante.

Ayon sa ulat ng DFA office of intelligence services, agad silang nagsagawa ng koordinasyon sa Pasay City police matapos magreklamo ang ilang indibiduwal ukol sa operasyon ng mga ito sa Consular Affairs ng DFA.

Una rito, siyam ang naaresto sa paglabag ng City Ordinance 624 o ordinansang nagbabawal sa paglalakad ng mga hindi awtorisadong tao sa mga ahensya sa gobyerno

Dahil dito, pinaalalahanan ng DFA ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga ilegal na operasyon at dumaan lamang sa tamang proseso sa pagkuha ng passport. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply