Di kay Phil: Angel nagpa-sexy para kay John Lloyd

HANGGANG ngayon ay pinaninindigan ni Angel Locsin na wala silang relasyon ni Phil Younghusband. Special friends lang daw sila nito at kinikilala pa lang niya ang tunay na katauhan ng imported na binata.

Paano kaya niya ito kinikilatis? Sa amoy, sa kilos at pananalita o sa klase ng halik nito? Hehehe!

Itong pagpapa-sexy raw niya ngayon ay hindi rin si Phil ang dahilan. Gagawa raw kasi sila ng pelikula ni John Lloyd Cruz kaya kailangan magbawas siya ng timbang. Kailangan bago mag-start ang paggiling ng camera sexy na s’ya.

Kaya madalas daw mahilo-hilo ngayon si Angel dahil dibdiban talaga ang pag-control nito sa lafang. Feeling daw ng dalaga ay contestant siya sa “The Biggest Loser.” Hahaha!

***

James Yap naging dugyot

MARAMI ang nakapapansin ngayon sa aura ni James Yap. Hindi na raw siya katulad ng dati na fresh and cool. Akala mo’y laging bagong ligo at kapag manamit ay hitsurang parating may lakad.

Ito ba’y dahil sa depresyon niya sanhi nang hindi niya na-win back si Kris Aquino? E, nag-win naman siya ng milyones galing kay Kris, di ba?

Eto pa, may dinaluhan daw na party si James at napadaan ito sa ating katsikang galang bading at napansin niyang hindi man lang nagwisik ng pabango ang basketeer samantalang nu’ng panahon nila ni Tetay e, halos maligo raw ito ng  baby cologne, este, ng  mamahaling perfume. Hehehe!

Naku! ayaw ni Bimby ng ganyan. Maselan pa naman ang poging batang ito, katulad ng kanyang Mommy Kris na masyadong maalaga sa katawan at mapili pagdating sa pananamit.

Anyway, ayon naman sa ibang movie scribe na nakausap natin, noong panahon daw na punong-puno pa ng pagmamahal ang Queen of All Media ay ito raw mismo personally ang nagmamando sa ex-husband niya kung ano ang isusuot nitong damit at pabangong ii-spray sa kanyang beautiful body. Hehehe!

Pero may time raw na nagsasawa naman ang basketbolista sa pinasusuot sa kanya ng president’ sister dahil kadalasan kulay dilaw ito. Hahahaha!

Well, ngayong malapit nang maging totoong artista talaga si James (bibigyan daw siya ng pelikula ni Mother Lily na ang tema’y basketbol pa rin. Hindi ba nagsasawa sa balls si James? Hahahaha!), dapat ayus-ayusin nito ang kanyang sarili. Maglagay man lang ng pulbos sa mukha kapag naglalangis-langis ito, magdamit na presentable, hindi ‘yung akala mo’y kagagaling lagi sa praktis at nagsuot lang ng bagong damit.

***

Tween Academy dadalhin ni Sam Pinto

ANO ba naman itong GMA-7 at mukhang pinangsahog lang nila si Sam Pinto sa pelikulang “Tween Academy: Class of 2012” at ‘yung mga batang hindi naman kagandahan ang mga mukha ang sentro ng kanilang promo.

Sa totoo lang, nu’ng dumalaw kami sa thanks giving party ni Sam para sa kanyang mga fans na ginawa sa napakagandang restoran ng kanyang manager na Ms. Claire dela Fuente sa Macapagal Avenue, halos karamihan sa mga bida ng naturang movie na bisita ng dalaga nung gabing ‘yun ay hindi namin kilala o mamukhaan man lang.

Si Alden Richards lang ang bukod tanging nangingibabaw sa kanila pagdating sa tayo at pagiging artistahin. Aba’y positibo ang rebyu sa kanya ng lahat ng manunulat na presente sa affair na ‘yun dahil bukod nga sa matangkad, makinis ang balat, maganda ang katawan, mabait, ay super PR pa ito sa press. Kaya tingin ng lahat malayo ang mararating ni Alden kahit maglakad lang ito at di sumakay. Hahahaha!

Anyway, andyan na nga si Sam na sikat na sikat na ngayon ay hindi pa rin mabigyan ng importansya kahit sa promo man lang ng Tween Academy of Starlets na ‘to. Kapuso, mali yata ang focus n’yo?

Ilagay n’yo sa tamang sentro ang promosyon n’yo ng akademya ng mga starlet na ‘yan dahil kahit sampung beses pa kayong mag-presscon kung ang mga bida ninyo naman ay sina Cynthia Khan (sino s’ya) at Shin Yeong (sino ‘yun) ay walang mangyayari.

Intiendes?

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply