Di pwedeng magbida: Pangsahog lang talaga si Nadine Samonte

KAYA pala napauwi agad ang dating matinee idol na si Leandro Muñoz sa Pilipinas iyon ay dahil sa laki ng talent fee niya sa teleseryeng “The Sisters.”

“Sobrang laki,” sabi nito.

“Good enough para ma-cover ‘yung whatever lost na mangyayari sa akin habang wala ako doon sa America.”

“Basta okay, happy ako.”

Kaya may palagay ang marami na sa talent fee pa lang ni Leandro ay lugi na ang naturang proyekto na sadsad ang rating.

At paano raw aangat ang rating ng The Sisters e, magkapatid na laos din ang mga bida (Leandro and Nadine Samonte). Ang leading man ay hindi na gaanong ma-recall ng mga teeveegoer. Baka nga akala nila si Leandro Baldemor ang pinanonood nila. Hehehe!

Matagal kasing nawala ito sa local scene. Matapos na makabuntis at papiliin ng ABS-CBN kung ang anak ba niya o ang career?

It was good a thing na nagpakaama siya noon. Mas pinili niyang maging tatay kesa manatili sa kasikatan niya noon sa Kapamilya Network.

Kahanga-hanga siya sa ginawa niyang iyon. Imagine, lahat ng klase ng trabaho kinaya niya basta mabuhay lang ang kanyang anak.

Naging accounting clerk siya sa isang company, porklift driver, nagbenta ng kotse at ambulansya.

Teka nga pala, base sa mga sinasabi niya, lumalabas na parang naging nanay, tatay siya ng bata?

Pinagpalit niya ang pamilya niya sa kanyang kasikatan noon pero nilayasan din pala siya ng kanyang misis?

Heto nga’t gustong ligawan si Nadine Samonte dahil nakita raw niya sa dalaga ang katangian ng isang babaing magandang maging girlfriend.

Anyway, si Nadine ay hindi naman totally laos pero talagang wala siyang dating sa publiko. Kaya nga ng lumayas siya sa GMA ay hindi na sila naghabol sa kanya.

Mas bagay lang sa kanya ang maging second lead o pangsahog sa mga bida.

***

Actor/politician ‘nag-LBM’ na sa sobrang stress

HINDI malaman ng actor/politician na ito kung saan magtatago, sa bestida ba ng nanay niya o sa panty ng kanyang misis.

Hahaha!

Ito ang narinig naming kuwento mula sa mga movie scribes na dati ay naging malapit sa aktor na ‘to. Nawala na raw ang kayabangan nito, iyon nga lamang, di rin naman nakakausap dahil parati raw itong problematic at madalas ngang mag-LBM dahil sa sobrang stress na nararamdaman nito sanhi ng sandamakmak na problemang nakakulapol sa kanya ngayon at sa kanyang buong pamilya.

***

Pag galit si Ate Vi sa ulo pinahahalik si Sen. Recto

NATAWA kami sa kuwento ni Vilma Santos. Aniya, hindi raw talaga maiiwasang hindi magkaroon ng tampuhan o away ang mag-asawa. Pero sa kaso nila ng mister na si Sen. Ralph Recto, hindi sila nagkikibuan kapag may problema silang dalawa.

Ang maganda naman sa kanila, kahit may tampong purorot sila sa isa’t isa, hindi nawawala ‘yung kiss sa kanya ni Senador sa tuwing aalis ito at uuwi ng bahay. Iyon nga lamang, matatawa ang makakakita sa kanila dahil kapag inilalapit na raw ni Sen. Ralph ang nguso nito sa lips o sa pisngi ni Ate Vi, ulo ang isinasalubong ng huli.

Tiyak na napapahatsing si Senador. Ikaw ba naman ang masundot ang butas ng ilong mo ng sangkatutak na buhok! Hahahaha!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply