Di totoo ang bintang nila sa akin— PO3 Francisco

BILANG patas at walang kinikilingan,  ang ‘side’ naman ng minsan nang naging suki nang ating  kolum na si PO3 Francisco ng Manila Traffic Police ang bibigyan natin ng espasyo.

Pinasubalian ni Francisco ang mga paratang sa kanya tungkol sa madalas niyang pag-aabang at pagpapara sa mga nagdaraang  mga cargo truck, fish at fruit dealer, motorcycle, sidecar at iba pa na pagkakapitsahan nito.

Ayon kay PO3 Francisco, pawang mga kasinungalingan ang mga ibinibintang daw sa kanya ng mga motoristang nahuhuli niyang lumalabag sa batas ng trapiko.

Aniya, nagagalit lamang sa kanya ang mga ito dahil hindi niya pinagbibigyan ang mga pakiusap ng mga ito pag sila ay nahuhuli bagkus kanya itong tinutuluyan.

Pinasubalian din ni PO3 Francisco na hindi raw totoo ang bintang na kapag walang maipakitang mga papeles ang mga hinuhuli niya ay kunwari ay titiketan niya ito para mapilitang maglagay ang mga ito sa kanya.

Ipinagmalaki pa ni PO3 Francisco na simula nang maging pulis siya, may 10 taon na siya sa serbisyo,   puro serbisyo at pagpapatupad sa batas ang kanyang ginagawa.

Naniniwala rin siya na ang pagkakadyaryo sa kanya ay gawa-gawa lang ng mga nahuli niya sa traffick violation na di niya napagbigyan. Kasabay din nito ay nakiusap si Francisco sa mga motorista na sana ay maintindihan siya dahil ginagampanan lang niya ang kanyang tungkulin bilang isang  matuwid na pulis.

Malaki ang tongpats ni PD

Nagtatatawa lamang ang mga loteng operator na sina Romy Waway, Benjie at ang bangkang si Mike Rosales sa pagkakadyaryo sa kanila. Balewala daw ang banat sa kanila dahil hindi raw ito iniintindi ni PD Gen. Manuel Cesar Prieto dahil malaki ang “lagay” nila kay heneral sa buong operasyon sa lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply