Diarrhea outbreak sa Albay tinututukan ng DOH

BUKOD sa dengue, tinututukan din ng Department of Health (DOH) ang diarrhea outbreak sa lalawigan ng Albay.

Sa ulat ng DOH, dalawa na ang naiulat na namamtay sa diarrhea sa Daraga, Albay. Ang mga biktima ay sina Maria Napoles, 84, at Reynaldo Amarato, 66.

Ayon kay Albay Assistant Provincial Health Officer Nathaniel Rentillo, umaabot na sa 15 ang naka-confine sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital dahil sa nasabing sakit.

Lumitaw sa imbestigasyon ng health assessment team na posibleng humalo sa inuming tubig ang mga duming nasa katabing lumang septic tank matapos itong lumubog sa baha nang manalasa ang bagyong Juaning.

Sinabi pa ni Rentillo na bukod sa Daraga ay may naitala ring kaso ng diarrhea sa bayan ng Malinao na umabot sa 25 at 13 naman sa Polangui.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply