Dimakiling tumabla sa Malaysia Chess Meet

GINAWA ang lahat ng makakaya subalit nauwi lamang sa tabla ang laban ni Filipino International Master (IM) Oliver Dimakiling kontra kay Chinese Wan Yunguo tangan ang bentaheng puting piyesa matapos ang fifth round ng 8th Dato’ Arthur Tan Malaysia Open Chess 2011 sa 5th Floor, Cititel Midvalley Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Sabado.

Si Dimakiling tubong Davao City,  fomer La Salle Taft standout ay may total to 4.5 points tungo sa solo second place.

Sa isang banda, naputol naman ang pananalasa ng kababayan na si  IM Oliver Barbosa matapos matalo kontra kay Chinese GM Li Shilong hawak naman ang itim na piyesa.

Dahil sa natamong tagumpay, nakamit ni Li ang solo leadership board na may 5.0 points. Napako naman ang Taytay, Rizal bet Barbosa sa 4.0 points, gaya ng naitalang puntos nina compatriot Italy-based GM Roland Salvador ng Bulacan, GM Wang Rui, IMs Lu Shanglei at Gao Rui,Yu Ruiyuan at Yunguo ng China, GM Dao Thien Hai at IM Nguyen Doc Hoa ng Vietnam.

Ang torneong ito ay nilahukan ng 98 contestants mula England, Germany, France, Ukraine, Uzbekistan, Australia, China, India, Vietnam, Iran, Indonesia, Republic of South Africa, Singapore, Sri Lanka, Libya, Japan, Fiji, Hong Kong, Brunei, Philippines at Malaysia.

Sa iba pang resulta ng mga Filipino bets, tinalo ni Salvador siJanhongir Vakhidov ng Uzbekistan, nadapa si Paris-based GM Joseph Sanchez ng Cebu province kay Gao, natalo din si Malaysia-based Cris Ian Udani ng Bacolod City kay Lu, nakihati ng puntos si IM Rolando Nolte ng Quezon City kay IM Sharma Dinesh K ng India, tabla din si GM Darwin Laylo ng Marikina City kay Wang Jue ng China, nakaungos naman si IM Richard Bitoon ng Medellin, Cebu kontra kay Nelson “Elo” Mariano III ng Manila, tabla si NM Edgar Reggie Olay ng Davao City kay Cheah Cheok Fung ng Malaysia, at tabla din si IM Richilieu Salcedo ng Cagayan de Oro City kay Ajeet Singh Roshan ng India.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply