Diplomasya ang dapat gamitin ni PNoy sa Tsina

PAPAALIS sa linggong ito si Pangulong Noynoy Aquino papunta sa bansang Tsina upang ayusin ang “nagkalamat” na relasyon nito at ng ating bansa dahil sa ibat’ ibang  isyu.

Ika nga ni Senate President Juan Ponce Enri-le, ‘sandamukal’ na isyu at problema ang dapat pag-usapan nina PNoy at Chinese President Hu Jintao. Pero pinakamabigat sa lahat ng mga isyu ang agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea o sa Spratlys. Sa totoo lang, sa aminin natin at hindi ay wala tayong anomang pantapat kahit sino pa ang umaangkin sa Spratlys.

Lalo na sa puwersa militar ng Tsina dahil ang Tsina ay isa na ring ‘superpower’ na bansa gaya ng Amerika.

Kaya ang kailangan ay  madiplomasya, mahinahon at mapagkaibigang kilos ang puwede lang nating asahan upang maigiit ang ating mga karapatan sa nabanggit na isla. Sa totoo lang hindi naman tayo basta aasa na lang sa tulong ng mga Kano dahil simula’t sapul ay busabos o ‘muchacho’ lang ang tingin ng mga ito sa ating mga Filipino at marami nang taong tayo’y ginugulangan ng mga ito.

Kaya kung ako kay PNoy, limitahan na niya ang sobrang pagtitiwala at pagsasandal niya sa mga Ameri-kano dahil  ngayon ay lubog na rin ito sa sariling krisis at baon pa nga sa utang sa Tsina. In short, dapat na siyang mag-isip at gumawa ng mga desisyon batay sa ating sariling kakayahan at magagawa.

Sa aking sapantaha ay malaki ang maitutulong ni Amb. designate Domingo Lee na mismong si PNoy ang pumili nito bilang kinatawan natin sa Tsina. Malaki ang maitutulong ni Lee pero sa-yang nga lang dahil hindi pa siya “nabibendisyunan” ng ating Kongreso bilang “official ambassador” ng Pilipinas sa Tsina.

Sumasang-ayon naman si Sen Enrile na isama siya ni PNoy sa biyahe niya sa Tsina.

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 091892-74764,09266719269 o e-mail sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply