Disiplina sa plakang 8

NOONG Marcos regime, sikat na sikat ang slogan na “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”

Disiplinado ang mga mamamayan dahil umiiral ang Batas Militar o Martial Law. At dahil sumusunod ang mga tao sa patakaran maayos ang takbo ng pamahalaan at marami ang may maayos na trabaho kaya naman itinuturing ang Pilipinas bilang developing country.

Ngayong umiiral ang demokrasya sa bansa, halos limot na ang kasabihang ito.

Kaya naman, marami sa mga mamamayan ang walang disiplina na itinuturing na dahilan sa hindi pag-unlad ng bayan at mamamayan.

Rason kaya ito sa patuloy na paghihirap ng bayan?

Noong nakaraang linggo, ipinahuli ni Pangulong Benigno Aquino ang driver ng service vehicle ng television network na TV5 na nagcounter flow sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kung saan nandoon din ang Pangulo na katatapos lamang dumalo ng pagtitipon sa nasabing lugar.

Ipinakita ni PNoy na kailangan talagang bigyang disiplina ang mamamayan kahit pa miyembro ng media upang makausad naman sa pagkakalugmok ang kanyang bansang pinaglilingkuran.

Dapat, idagdag ni PNoy sa listahan ng mga dapat disiplinahin sa usaping trapiko ay ang mga sasakyan ng mga mambabatas na pawang nakasabit na plaka ay “8.”

Okay lang sana kung nakalagay sa harap ng sasakyan ang plakang “8” pero kung ganitong numero rin ang plakang nakakabit sa likod ay hindi na ito tama.

Dapat sa ganitong mga matitigas ang ulo at tila may itinatago kaya hindi ikabit ang totoong plaka sa hulihan ng sasakyan ay hindi lang hulihin.

Dapat na kumpiskahin ang sasakyan.

Isa pa dapat ding parusahan ng pagkakakulong at malaking multa ang may-ari ng sasakyan. (Itutuloy)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply