DOH kakasuhan ng pro-life group

MAGSASAMPA ng kaso sa Office of the Ombudsman ang isang pro-life group laban sa Department of Health (DOH) kasunod nang paghingi ng ahensiya ng dagdag na pondo na ilalaan lamang sa pagbili ng mga contraceptives tulad ng condom at pills.

Ayon kay Bro. Eric Manalang, pangulo ng Pro-Life Philippines, mali at hindi makatarungan na ilagay ang pera ng mga mamamayan sa pagbili ng pills at condom, gayung kulang ang pondo para sa libreng gamot at pagamutan sa bansa.

Iginiit ni Manalang na maituturing na “criminal move” ang pagpopondo ng ahensiya ng pagsusulong ng imoralidad at katiwalian o sa pagsusulong ng Reproductive Health (RH) bill na hindi kailangan ng sambayanan.

“Karampot ang budget sa  mahihirap na kailangan pang magsangla upang mataggap sa pagamutan at magpagamot kaya bakit sa  artificial contraceptives  pa ilalaan yan,” ayon pa kay Manalang sa panayam ng  church-run Radyo Veritas.

Nauna rito, humingi ng P43.6 bilyong budget ang DOH para sa taong 2012, na mas mataas kumpara sa dating budget allocation nito na P32.7 bilyon lamang.

Inamin ni Health Secretary Enrique Ona na ang bahagi ng naturang budget ay ilalaan nila sa pagbili ng contraceptives. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply