DOH kumilos kontra sangla sa mga ospital

KUMILOS na ang pamunuan ng Department of Health (DOH) kaugnay sa pagsasangla ng mga kagamitan o anumang bagay ng mga pasyenteng di makabayad o may utang sa mga pampublikong ospital.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, direktor ng National Epidemiology Center ng DOH, maiiwasan na ang promisory note sa mga government hospital kung miyembro ng PhilHealth ang pasyente o mga beneficiary nito.

Ito ay magiging epektibo sa mga susunod na buwan at eksklusibo lamang sa mga government hospital at para lamang sa 22 karamdaman gaya ng dengue, panganganak (caesarian), appendectomy at iba pa.

Sinabi ni Tayag, wala nang babayaran ang pasyente sa ospital kung siya ay lehitimong miyembro ng PhilHealth.

Ang aksyon na ito ng ahensya ay alinsunod sa mga natatangggap na ulat na napipilitang magsanla ng kanilang mga gamit at ari-arian sa pampublikong pagamutan kapag hindi makabayad sa hospital bill.

Mistulang “hino-hostage” din ng mga ospital ang mga pasyenteng walang pambayad sa kanilang bill na nagreresulta upang tumagal pa sa pagamutan at lalong lumaki ang bayarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply