DOH nagbabala laban sa leptospirosis

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) laban sa paglusong o paglalaro sa tubig-baha sa harap ng pagkakaroon ng leptospirosis outbreak.

Sinabi ni Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng DOH, na mula Enero hanggang Hulyo 9, tumaas ng 73 percent ang kaso ng mga nadale ng leptospirosis.

May 613 na ang naitalang kaso, 48 dito ang namatay kumpara sa 354 sa katulad ding panahon noong nakaraang taon na 20 ang nasawi.

Ang leptospirosis ay isang uri ng impeksyon na nakukuha mula sa tubig na kontaminado ng mga ihi ng daga.

Payo ni Tayag, umiwas sa baha kung pwede rin lang, kung hindi naman, mainam na magsuot ng rubber boots.

Kumonsulta rin aniya agad sa doktor kung makakaramdam ng matinding pananakit ng muscles at mataas na lagnat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply