DOH nasa code white alert dahil sa bagyong Mina

INILAGAY na sa code white alert ng Department of Health (DOH) ang mga yunit ng Center for Health Development (CHD) sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong “Mina.”

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipinosisyon na rin ng ilang ahensya ang kanilang equipment at tauhan para sa paghahanada sa epekto ng nasabing bagyo.

Sa ilalim ng code white alert, ang emergency medicine, lalo na para sa trauma needs, ay kailangan umanong maihanda sa emeregency rooms.

Ang mga gamot at medical supplies sa operating rooms ay kinakailangang madagdagan  para sa  agarang pangangailangan katulad ng X-ray plates at mga gamit sa laboratoryo.

Nakataas na sa storm signal no. 3 ang bagyo ngayong umaga (Biyernes, Agosto 26) at inaasahang tatama ito sa Northern Luzon, partikular na sa Aurora, Quezon at Cagayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply