DOH tuloy ang kampanya vs paninigarilyo

PATULOY ang ibinibigay na suporta ng Department Of Health (DOH) sa kampanya kontra paninigarilyo sa buong bansa.

Tiniyak ng ahensya na mahigpit nilang susuportahan ang anti-smoking campaign ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sa pagsusulong ng kalusugan pangkalahatan, iginiit ng DOH na nabubura na ang karapatan ng isang smoker kapag nilabag nito ang karapatan ng isang taong protektahan ang kaniyang sariling kalusugan.

Kasabay nito, nagpahayag na rin ng suporta ang mga Ulama o Islamic scholars sa kampanya ng DOH sa paninigarilyo.

Ipinahayag ng mga Ulama ang kanilang suporta sa ginanap na Ulama Consultative Assembly on Smoking sa MSU-Marawi sa Marawi City kahapon (Martes, Agosto 23).

Nauna rito, muling ipinaliwanag ni city councilor Abdani Alonto ang kanyang inakdaang Comprehensive Anti-Smoking Ordinance of the Islamic City of Marawi na ipinasa ng Sangguniang Panglungsod nito lamang nakaraang buwan.

Katulad ng Republic Act No. 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003, ang nasabing ordinansa ay nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Muli namang binasa ng isang Islamic scholar ang Fatwa o Islamic ruling hinggil sa paninigarilyo.

Dahil sa masamang dulot ng paninigarilyo sa kalusugan ng tao, ipinagbabawal ito ng Supreme Council of Darul Ifta of the Philippines.

Iminungkahi naman ng ilan sa mga Ulama na kung idineklara na ng Darul Ifta ang pagbabawal sa tabako at paninigarilyo ay dapat ipagbwal na rin ang pagtitinda ng sigarilyo at tabako sa lungsod ng Marawi at sa lalawigan ng Lanao del Sur.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply