Doktora arestado sa pagbebenta ng ‘not for sale’ medicine

KALABOSO ang isang doktora matapos magbenta ng “not for sale” na gamot sa mga pasyente, sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Police District-City Hall Action and Police Assistance (MPD-CHAPA), Miyerkoles ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Sec. 26 ng R.A. 5921 (inhibition to the sale of drug samples) si Dr. Lilian Manicad, 62, ng 1172 Don Quijote St., Sampaloc, Maynila.

Nabatid na nagsumbong sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim si Roel Carino, 38, ng 825 Sandico St. Tondo, Maynila, matapos ipakonsulta ang kanyang anak sa Manicad Medical Clinic.

Ayon kay Carino, niresetahan siya ng doktora ng tatlong klase ng gamot at sa kanyang klinika rin ito binili ngunit napuna niya na may label na “free drug samples,” kaya agad siyang nagreklamo sa alkalde.

Bunsod nito, agad inatasan ni Lim si C/Insp. Marcelo Reyes, hepe ng MD-CHAPA na hulihin at kasuhan ang nabanggit na doktora.

Sa entrapment operation ay nagpanggap na poseur buyer si PO2 Rodel Maligon.

Nang aktong ibinibigay ni Maligon kay Manlicad ang P200, kapalit ng mga gamot na Augmentin 20 ml, Solmux Carbocisteine at Neozep 15 ml na may naka-label na “not for sale” ay agad siyang inaresto.

Nakarekober pa ang  iba’t ibang klase ng not for sale na mga gamot sa klinika ng suspek na iniaalok din sa mga pasyente na nagpapakonsulta.

Kasalukuyang pinipigil na sa Manila City Hall detention cell si Manicad, habang nakabinbin ang commitment order para sa paglilipat sa kanya sa Manila City Jail.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply