Dole handa na sa paglikas ng OFWs sa Syria

DAHIL sa tumitinding tensyon sa Syria ay nakahanda na ngayon ang Department of Labor and Employment na ilikas ang mga overseas Filipino worker doon.

Sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na hinihintay na lamang nila ang listahan ng mga pangalan ng mga uuwing manggagawang Pinoy mula sa embahada ng bansa at sa overseas labor office sa Damascus.

Nakahanda na rin ang tiket ng OFWs na magsisipag-uwi sa Pilipinas.

Kinumpirma rin ng kalihim na naglaan na rin ng standby repatriation fund ang Overseas Workers Welfare Administration na nagkakahalaga ng P140-M.

Tiniyak din ng kalihim na tatanggap ng package ang mga naturang manggagawa mula sa “Balik-Pinay, Balik Hanapbuhay Program” at maaari ring makakuha ng business loan ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply