Dollar remittance ng OFWs tumaas

BAGAMA’T umiiral ang krisis sa Middle East, nagpakitang-gilas ang remittances ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na pinapadala ng mga ito sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, naitala ang mataas na 6.3% o katumbas ng $9.64 billion  sa unang anim na buwan ng taon.

Sa kabila nito, nagpahayag ang ilang ekonomista na posibleng hindi mapanatili ang mataas na remittance ng mga OFW dahil na rin sa kasalukuyang economic crisis sa Amerika

Kaugnay nito ay nananawagan si Bankers Association of the Philippines (BAP) President Aurelio Montinola III na ipalit kaagad ang dolyar sa piso para makakukubra ng mas mataas na interest rate ang pamilya ng mga OFW at hindi pa malugi sa halaga ng palitan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply