Donaire-Montiel rematch malabo

MALABO umanong mangyari ang rematch sa pagitan nina Pinoy champ Nonito Donaire Jr. at dating three-division world champion Fernando “Cochulito” Montiel (46-3, 36 KOs).

Ayon sa mga kritiko, wala nang karapatang maghamon si Montiel dahil nakadidismaya sa fans ang pagkatalo nito sa Pinoy champ noong nakaraang Pebrero.

Kung ikakasa umano ito ay tiyak na hindi na kakagatin ng mga manonood dahil siguradong kakain na naman ng alikabok si Montiel.

Kanina ay umiskor ng third round KO si Montiel laban kay Álvaro Pérez (21-4-1, 12 KOs) sa kanilang super bantamweight bout sa La Cetto Vineyards sa Guadalupe Valley, Baja California.

“I promised (promoter) Fernando Beltran that my next fight would be for the super bantamweight world title. I’m back and ready to win my fourth title in different divisions and in 2012 will seek a rematch against Nonito Donaire,” pahayag ni Montiel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply