Donasyon na dugo puno ng HIV/AIDS

NAKABABAHALA ang mga donasyong dugo.

Aba sino ang hindi mababahala sa rekord ng isang ospital ng gobyerno na nagsasabing umaabot sa 27 porsiyento ng mga donasyong dugo ang may Human Immunodeficiency virus o HIV.

Ayon sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), yung tinesting nila na dugo na 118 na balot, eh, 27% ang pasitib sa HIV. Pinakamataas na rekord umano ang naitala ngayong Hunyo 2011 simula pa noong Enero 2008.

Itong HIV ang nagtutulak naman sa isang tao na magkasakit ng Acquired Immune-Deficiency Syndrome o AIDS na sumisira sa kakayanan ng katawan ng tao na lumaban sa lahat ng sakit na dumadapo sa atin.

Diyan na magiging grabe ang mga impeksyon at pagkakaroon natin ng mga kanser.

oOo

Ayon sa Department of Health, tinatayang umaabot na sa 6-7 libo ang biktima ng HIV simula noong 2004 na taon ng pagputok ng balita sa HIV/Aids sa kapaligiran ng base militar nina Uncle Sam sa Olongapo.

May 867 naman ang nagkaroon ng AIDS at nagkaroon na ng 324 na patay dahil walang lunas sa sakit na ito.

Sa kabuuan, may 619 sa mga may AIDS at ang iba ay pawang mga babae na.

Nakukuha karaniwan ang AIDS sa labing-labing at 93% ang nabiktima rito.

Nagkakahawahan sa HIV/AIDS ang mga biktima sa pamamagitan ng labing-labing, sa lipat-dugo, likido mula sa ari ng babae, pre-ejaculation at gatas ng ina.

oOo

Talaga namang hindi biro-biro ang HIV/AIDS.

Dapat gumawa ng paraan ang mga sabik na sabik sa kanilang mga labs na mag-ingat.

Magandang magpa-tsekap talaga para makatulong tayo sa pag-iwas sa pagkakalat ng sakit na ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply