Donasyong dugo positibo sa HIV

POSITIBO sa human immunodeficiency virus (HIV) ang isa sa bawat apat na yunit ng dugo na ibinibigay na donasyon sa pamahalaan noong Hunyo, ayon sa Department of Health (DOH).

Base sa pagsusuring isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine, lumabas na 32 sa 118 pakete ng dugong donasyon ay natuklasang kontaminado ng nasabing virus.

Ayon sa DOH, nanggaling ang impormasyon sa National Voluntary Blood Safety Program na regular na nagmo-monitor ng kaligtasan ng mga donasyong dugo.

Makaraan ang ilan pang pagsusuri upang matiyak na kontaminado nga ang mga dugo ay ihihiwalay na ang mga paketeng ito upang maitapon nang maayos at hindi mahalo sa mga ligtas na dugo.

Umabot na sa 102 ang bilang ng mga paketeng kontaminado ng HIV mula pa noong Enero hanggang Hunyo.

Umapela ang ahensya sa mga nagdo-donate na maging responsable. Anito, kung hindi sila maingat sa kanilang sex life ay iwasan na lamang ang magbigay ng dugo.

Patuloy namang hinihikayat ni Health Secretary Enrique Ona ang publiko na magbigay ng dugo upang mailigtas ang mga taong nangangailangan nito sa mga kritikal na pagkakataon. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply