DOST, DepEd nagsanib vs dengue

SA HARAP ng tumataas na bilang ng kaso ng dengue sa bansa ay nagsanib-pwersa na ang Department of Science and Technology at Department of Education (DepEd) para labanan ang nakamamatay na sakit.

Ang DOST at DepEd ay mamamhagi ng 34,000 Ovicidal Larvicidal traps sa mga eskwelahan sa Quezon City, Pasay City, Valenzuela City, Manila, Muntinlupa City at Pasig City.

Ayon kay Science and Technology Secretary Mario Montejo, mahigit sa 17,000 silid-aralan sa mga pampubliko at pribadong elementarya at high school ang sakop ng Metro Manila at kanila aniyang tututukan ay ang mga itinuturing na dengue hotspots.

Idi-distribute din ang 45,000 na OL trap sa Ilocos Sur, Benguet, La Union at Pangasinan kung saan marami ring kaso ng dengue ang naitala.

Target ng DOST na damihan pa ang produksyon ng nasabing mosquito trap upang mabili na ito ng mamamayan sa mga tindahan.

Mabibili ng P10-15 ang lalagyan habang P1 naman sa kada sachet ng pellet na gawa sa pepper plant.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply