DOTC pinaghahandaan ang pag-aaklas ng PLEA

PINAGHAHANDAAN na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang namumuong pag-aklas ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA) laban sa Philippine Airlines (PAL).

Sa panayam kay Transportation and Communications Secretary Mar Roxas, ayaw ng ahensya na maapektuhan ang operasyon ng PAL sa oras na magsagawa ng strike ang PALEA sa sandaling bumagsak ang pag-uusap sa Department of Labor.

“With or without a strike, the contingency plan should be in place, ready to be deployed at moment’s notice. We understand that the labor dispute presents a difficult problem both for PAL and PALEA, but it should not stand in the way of PAL’s commitment to serve the public,”diin ni Roxas.

Bukod dito, pinaghahanda na rin ng Kalihim ang iba pang airline companies na tumugon sa isyu sakaling matuloy ang welga.

“In this situation, it is no longer a matter of one airline competing against each other. Disruption will not just put PAL in a bad light, but the entire Philippine air travel as well. Business rivalries end where duty to the public begins,” dagdag ni Roxas.

Tiniyak naman ng liderato ng PAL kay Roxas na nakahanda ang kanilang tanggapan sa anumang aberya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply