Dragon Boat Team binigyan ng pang-shopping ng mga Pinoy sa Florida

KUNG walang makukuhang insentibo ang Philippine dragon boat team sa pamahalaan sa kanilang matagumpay na performance sa katatapos na World Dragon Boat Championship, sobra-sobra naman ang natatanggap nila sa mga kababayan sa Amerika.

Ayon sa ulat, nagtulong-tulong ang Filipino community sa Tampa, Florida para bigyan ng pabuya ang mga Pinoy paddlers.

Binigyan umano nila ng pang-shopping ang mga Filipino athletes bago uuwi sa bansa.

May nag-order na rin umano ng bagong sagwan para sa world champions matapos na malaman na walang sariling sagwan ang dragon boat team.

Isang carbon fiber paddle ang susunod na gagamitin ng mga Pinoy sa susunod nilang kompetisyon.

Kaugnay nito, batay sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo, may courtesy call ang Philippine dragon boat team sa Malacañang at makikipagkita kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Biyernes.

Tumapos ang Dragon Warriors ng limang gold at dalawang silver medals sa pitong events na sinalihan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply