Dragon Boat Team dadalaw sa Palasyo

KAHIT pinagtatalunan pa kung kikilalanin ba o hindi ang matagumpay na Dragon Boat Team bilang national team ay haharap ang mga kasapi nito kay Pangulong Benigno Aquino III sa Biyernes, Agosto 12.

Sinabi ni presidential spokesman Edwin Lacierda na nakatakdang mag-courtesy call ang mga pandaigdigang kampeon. Ganap na ala-una ng hapon ang nasabing courtesy call.

Sa Biyernes, alas-sais ng umaga darating sa Pilipinas ang kampeon ng 10th International Dragon Boat Federation World Championships na ginanap sa Florida, USA.

“We are more than glad to see them in the Palace,” ayon kay Lacierda.

Pag-aaralan umano ng Presidential Management Staff (PMS) kung kikilalanin nito ang koponan bilang national team.

Humakot ng limang gintong medalya ang Dragon Boat Team sa nabanggit na torneo.

Ayon kay Lacierda, nakisawsaw na ang PMS sa usaping ito dahil kapwa hindi kinikilala ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) ang koponan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply