Dragon boat team dapat papurihan — Kiko

INIHAIN na sa Senado  ni Senador Kiko Pangilinan ang resolusyon na humihiling na bigyang papuri ang Cobra Philippine Dragon Boat Team na nakapagtala ng panibagong world records sa  International Dragon Boat Federation’s 10th World Championships sa Tampa Bay, Florida.

“The Philippine Dragon Boat team has brought to our country honor and recognition by displaying superiority and excellence in the international competition. For that they deserve no less than our respect and support,” ani Pangilinan.

Batay sa Senate Resolution 547, hinimok ni Pangilinan ang kinauukulang ahensya na pamahalaan na gumawa ng hakbang kung paano suportahan ang mga atletang Pinoy na nagbibigay ng karangalan sa  kabila ng kakulangan ng kagamitan at limitado sa suporta pinansyal.

“It is unfortunate that we continuously hear about Filipino athletes performing superbly and displaying excellence despite the lack of government support. Our athletes are giving our nation honor and recognition, and they bring hope and exceptional aspirations to our people. It is about time the government’s concerned agencies give their complete and unqualified support to our athletes,”dagdag pa ni pangilinan.

Matatandaang nagkaroon ng selebrasyon ang Filipino community sa Florida, U.S.A., sa panibagong karangalang ibinigay ng Philippine dragon boat team kung saan sa pitong event na nilahukan ng Pinoy paddlers, limang gintong medalya at dalawang silver medals ang kanilang naibulsa.

Unang araw pa lamang ay lutang na ang kakayahan ng mga Pilipino sa kanilang best time record sa 1,000 meter race kung saaan nakuha nila ang 4:57 seconds para sa bagong world record, big winner din ang team sa 200 meter division at 200 meter mixed division.

Dahil sa sunod-sunod na panalo ng mga Pinoy ay hindi napigilang bumilib ang mga karibal na dayuhang team sa ipinakitang galing ng team ng Pilipinas.

Kung maaalala, naka-gold medal din ang Phil. Dragon Boat Federation (PDBF) noong 2007 at 2009 world championships.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply