Dragon Boat team pararangalan bukas

MANANATILI pa ring pribadong sports organization ang Philippine Dragon Boat Federation of the Philippines.

Ito ang kinumpirma ng team Mmanager na si Army Maj Harold Cabunoc sa gitna ng mga tinatamong papuri at pagkilala na kanilang tinatanggap sa paghakot ng 5 gold at 2 silver medals sa International Dragon Boat World Championships sa Amerika kamakailan.

Ang pahayag ni Cabunoc ay paglilinaw na rin kung sila ang opisyal na kakatawan sa 2011 Sea Games sa Indonesia matapos silang tanggalan ng pagkilala bilang national sports organization ng Pilipinas.

Tiwala si  Cabunoc na isa ring athlete at kilalang shooters ng Philippine ARMY na kumakatawan din sa bansa na mapapalakas pa nila ang kanilang kampanya sa tulong ng mga sponsors; maliban sa local tournament sa Oktubre ay pinaghahandaan na rin nila ang international events sa Korea, Singapore at Hong Kong sa 2012.

Bukas ng umaga ay paparangalan ng merit medal sa AFP General Headquarters ang pitong sundalo na miyembro ng koponan kung saan  magtutungo ang grupo sa kamara para sila gagawaran ng pagkilala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply