Dragon Boat team pinarangalan sa Kamara

PORMAL nang pinarangalan ng mga kongresista ang Philippine Dragon Boat Team na kamakailan lamang ay humakot ng medalya sa katatapos na paligsahan sa Florida, USA.

Pinangunahan ni Majority Leader Neptali Gonzales ang paggawad ng  P1.4M na pondo bilang suporta sa grupo at ang paghahandog ng sertipikasyon ng pagkilala sa mga ito.

Nauna ng nag-ambagan ng tig-P5,000 ang mga kongresista upang makalikom ng reward sa grupo matapos magpasa ng resolusyon si PBA Partylist Rep. Mark Aeron Sambar para sa pagbibigay ng parangal sa dragon boat team.

Nakapag-uwi ang nasabing grupo ng limang gold medals at 2 silver medals sa katatapos na international dragon boat federation world championships sa Tampa Bay, Florida.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply