Driver tinangayan ng taxi habang umiihi

ISANG driver ang natangayan ng kanyang taxi, kita, at cellphone sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), Quezon City madaling-araw ng Lunes, Agosto 15.

Ayon sa report ng dzBB, nakilala ang taxi driver na si Efren Mendoza kung saan tinangay ang kanyang taxi habang umiihi sa urinal sa EDSA ng hindi nakilalang mga suspek.

“Umihi ako sa urinal sa may Kaingin road (corner EDSA). Nang umiihi ako may nakita akong tumayo ang mama. Pagpunta ko sumakay siya, di ko na naabutan,” ayon sa pahayag ni Mendoza sa isang panayam sa dzBB.

Batay pa kay Mendoza, tangay ang kanyang kita, lisensya, at cellphone na nasa loob ng taxi na may plate number TXJ-896.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply