Drug store nilooban, P.9M tinangay

TINATAYANG aabot sa P900,000 ang halaga ng pera at iba’t ibang uri ng gamot ang natangay ng mga kawatan sa isang branch ng Generic Pharmacy drug store sa Barangay Batasan, Quezon City kagabi (Martes, Agosto 30).

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 6 Batasan, nilooban ng mga miyembro ng akyat-bahay ang naturang drug store sa Presidential St., Batasan, Barangay Batasan, ng nasabing lungsod dakong 12:00 ng hatinggabi.

Nabatid kay SPO1 Alden Lasam, desk officer ng QCPD station 6 Batasan, hinalang nilooban ang drug store sa pagitan ng 6:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi.

Sinabi sa ulat na winasak ng mga salarin ang pintuan kaya’t napasok ang naturang establisimyento.

Natangay ng mga suspek ang P12,000 cash na benta ng naturang drug store at P800,000 halaga ng iba’t ibang uri ng gamot.

Kasalukuyan pang sinisiyasat ng pulisya ang naturang insidente para matukoy ang mga may kagagawan ng pagnanakaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply