DTI chief binira sa pagkatig sa ECOP

DISMAYADO ang isang organisasyon ng mga manggagawa sa pagsang-ayon ni Trade Secretary Gregory Domingo sa posisyon ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) hinggil sa mga nakabinbing panukalang batas sa Kamara para sa mga manggagawa.

Ayon sa Associated Labor Unions (ALU), iresponsable at kontra-manggagawa ang posisyong ito ni Domingo na inihayag niya ilang araw na ang nakararaan.

Inayunan kasi ni Domingo ang posisyon ng ECOP na ang mga nakabinbing panukalang batas sa House of Representatives tulad ng pagbibigay ng P125 across-the-board wage hike at pagiging krimen ng pangongontrata ay makamanggagawa at makababawas lamang sa competitiveness ng bansa.

Sinabi rin umano ni Domingo na wala sa tamang panahon ang pagpasa sa naturang mga batas lalo pa’t muling nagiging competitive ang ilang manufacturing industries.

“Secretary Domingo’s remarks that agreed with the idea that these pending bills are pro-labor and that these measures are to blame for the eroding competitiveness of the Philippines are irresponsible, anti-workers, and false arguments,” tugon ni ALU National Vice President Gerard R. Seno.

Sa mga pahayag umano ni Domingo, tila hindi niya matanggap ang katotohanan na mismong ang Saligang Batas ng Pilipinas ang naggagarantiya ng karapatan ng manggagawa na magkaroon ng security of tenure.

Kung tutuusin umano, marami sa mga employer ang lumalabag sa mga probisyon ng may basbas pa mula sa ilang opisyal ng gobyerno na tulad ni Domingo ay consistent sa pagsusulong ng kontraktuwalisasyon na nakakaambag sa pagkamatay ng security of tenure ng mga manggagawa sa bansa.

Nililihis rin daw ng kalihim ang tunay na ugat kung bakit nawalan ng competitiveness ang bansa. Nasa pang-89 na puwesto na ang Pilipinas sa 139 bansa at naiwan na ito ng mga karatig-bansa gaya na Malaysia, Thailand  at Indonesia na ngayon ay nasa pang-26, 38 at apat, ayon sa pagkakasunod.

Ilan umano sa mga dahilan kung bakit napag-iiwanan ang Pinas ay dahil sa mga sumusunod: 1) ang patuloy na kabiguan ng pamahalaan na masawata ang korapsyon sa burukrasya lalo na ang iligal na smuggling; 2) ang kabiguan ng gobyerno na mapababa ang gastos sa pagnenegosyo; 3) ang hindi sapat na imprastraktura na magagamit sa mabilis at malayang paggalaw ng mga produkto; 4) ang hindi istabilisado at inconsistent na commitment ng pamahalaan sa pagtugon sa lumalalang sitwasyong pangseguridad at kaayusan; at 5) ang pagpapaubaya ng pamahalaan sa paglalaan ng lahat ng benepisyo ng mga manggagawa sa mga employer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply