Dugo sa blood bank ligtas sa AIDS –DOH

LIGTAS sa HIV/AIDS infection ang mga dugo na nakaimbak sa Blood Banks sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) kasunod ng mga naglabasang ulat nitong Hunyo na umaabot na sa 27 porsiyento ng mga donasyong dugo ay kontaminado ng HIV/AIDS.

Ayon kay Dr. Annie Detangco, head ng AIDS Research Group ng DOH, bago makarating ang mga donasyong dugo sa mga ospital ay idinadaan muna ito sa masusing screening kaya hindi maaaring makalusot ang maruruming dugo.

Sinabi rin ni Detangco  na sa mga blood banks pa lamang ay sinusuri na ang mga dugo mula sa iba’t ibang sakit.

Saka pa lamang aniya isasama ang mga dugo sa mga ospital sa sandaling matiyak na ligtas at pumasa sa screening.

Sinusuri rin umano nilang mabuti ang  mga taong gustong mag-donate ng dugo bago pa man sila payagang makapag-donate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply