Dugyot na ang dating gwaping na aktor

AKTIBO ngayon ang isang actor pero bakit hindi niya inaalagaan ang sarili niya ngayong napapanood siya ulit? Mukhang natuyot ang kutis at nangangayayat talaga.  Hindi nga mapigilan ng isang katoto na tanungin kung nagbibisyo ba siya dahil  nagmukha nga naman siyang dugyot at hindi pa nagpuputol ng buhok sa ilong.
Ano ang nangyari sa hitsura ng actor? Dahilan niya, mabilis daw siyang pumayat talaga pag laging puyat sa taping.
Pero sana, inalagaan niya ang sarili. Sana bumalik ‘yung appeal niya at hitsura niya na pantasya lahat ng mga kababaihan at kabadingan.

***

Nabasa namin  sa shout out sa Facebook ng kaibigang Jobert Sucaldito  na grabe ang pagod nina Kuya Germs, Gov. ER Ejercito, Perci Intalan of TV5, Joanna Banaga, Suzette Ranillo, Scenema Concepts producer Mylene Enriquez at Kuya Boy Palma sa pag-uwing ito ni Ate Guy. Pero bakas naman din sa mga mukha nila ang labis na saya at tuwa and finally ay makapagsimula na si Ate Guy ng work for both ‘El Presidente’ with Gov. ER and TV5 mini-series.
“Ngayon pa lang ako matutulog dahil galing kami sa airport para sunduin ang mahal nating superstar na si Nora Aunor. She’s home to play Maria Agoncillo, the second wife of Gen. Emilio Aguinaldo (to be played by Laguna Gov. ER Ejercito). Nag-early breakfast kami sa Edsa-Shangri-La Hotel where Ate Guy is billeted. Ganda ng inay natin – overwhelming ang presence,” kuwento ni Jobert.
“Iba talaga si Superstar Nora Aunor. haven’t seen someone as mobbed as Ate Guy in my entire life. wala siyang pinipiling tao – from the immigration staff to her die- hard fans – lahat sila had a slice of the bacon. kiss, hug, foto-op, etc. and she’s very beautiful now – as ever. magnanimous in many ways – kaya love na love namin siya,” dagdag pa niya.
“At last nakauwi na rin ako sa Pilipinas. Almost eight years akong nasa Amerika at nakita ko ang mga Noranian. Nagpapasalamat ako sa kanilang suporta,” deklara ng nag-iisang Superstar sa isang panayam.
“Sobra pong excited na akong magtrabaho. Matagal-tagal din akong hindi nakakaarte at yun yung nami-miss ko talaga. Kaya masaya ako kasi magagawa ko na naman yung gusto ko talagang gawin—ang pag-arte. Gusto ko sana ring kumanta, pero hindi pa talaga puwede,” deklara pa niya.
Uunahin ni Ate Guy na mag-shoot ng pelikula.
Tamaaaa!

***

Umulan ng papuri si Angelica Panganiban sa Twitter nu’ng Saturday  night dahil  sa galing niyang umarte at magpatawa sa ‘Banana Split’ ng ABS-CBN 2. Tungkol ito  sa skit na  baluktot na tinidor. Patok din ang mga kasamahan niya sa naturang gag show gaya nina John Prats, Pooh, Jason Gainza, Melai Cantiveros, Jayson Francisco, Ryan Bang atbp.
Katuwa rin ang hot issue segment nila. Isang buwan nang live ang format ng ‘Banana Split’ tuwing Sabado ng gabi at epek naman ito sa manonood.
Meron pa silang search  for new comedians. Ito ‘yung Clown in a Million na nagsimu- la rin naman sa ABS at kung saan naging grand winner si Pokwang.
Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply