Dulce naniniwalang kulang lang sa practice si Nora kaya nag-suffer ang boses

GINAGAWA na ngayong biro ng nag-iisang Superstar ng pinilakang tabing ang kanyang mga pagkakamali noong panahong nandito pa siya sa Pilipinas.

Tinanong kasi namin si Tikoy Aguiluz kung ano ang naramdaman niya ngayong idini-direk na niya ang hinahangaan niyang artista via the movie “El Presidente” with Governor of Laguna ER Ejercito.

Hindi pa man nakapagpapaliwanag ang magaling na direktor biglang sinabi ng award-winning actress na… “ang kinatatakot at kinakabahan si direk ay baka hindi ako sisipot sa shooting or baka ma-late ako” hindi na tuloy nakapag-reak si Tikoy kasi nga nagtawanan na ang mga movie press.

Kaya marami ang nagsabi na talaga raw nagbago na si Ate Guy kasi nga alam niya ang mga pagkakamali niya noon at ito’y inaamin na rin niya.

Sinabi pa ni La Aunor na sa ngayon, puro trabaho ang iniisip niya kasi nga pinaghandaan niya ang kanyang pagbabalik sa America after ng mga commitments niya kay Governor ER at sa TV5 dahil gusto niyang bumalik ang kanyang golden voice at nangangailangan siya ng $50,000 para ipaopera ulit ang kanyang lalamunan.

Kaya naman wala siyang ginawa sa pagbabalik niya dito sa Pinas kundi ang kumayod dahil gusto niyang muli kumanta kung saan siya nakilala ng masa. Alam mo na!!!

***

IBANG klase pala itong si Dulce, kahit 50 years of age na siya buong-buo pa rin ang kanyang boses at wala pa itong kupas.

Ayon sa Cebuanang singer nang humarap ito sa movie press talaga raw pini-preserve niya ang boses niya kung saan 3 hours bago ang kanyang concert hindi siya umiinom kahit ano, maski tubig ay talagang tiniis niya ang kanyang pagka-uhaw.

“Kailangan daw kasi may disiplina tayo sa katawan kasi nga hindi naman natin pinag-aralan, binili or kinuha lang kung saan, ito ay binigay sa atin ng mahal na panginoon kaya dapat nating pangalagan ito”, pagliwanag ni Dulce.

Sa nalalapit niyang golden concert na gagawin sa Music Museum this coming Aug. 27, titled “La Diva Dulce.” pinaghandaan niya ito nang husto dahil ayaw niyang mapahiya kasi nga raw nagkaka-edad na siya.

“Alam niyo nag-try ako nu’n na uminom ng tubig pagkatapos kung umawit tulad sa ginagawa ng ibang singer, pero hindi ito nag-work. Sinisi ko pa ang aking sarili kung bakit binago ko pa ang aking pananaw at ginaya ko ang ibang singer. Hindi ko talaga kaya at parang kinapos ako ng hangin,” dugtong pa niya.

“Kaya ibinalik ko kung ano ang aking pinag-simulan, sakripisyo baga dahil kahit tapos na ang aking concert pinalipas ko muna ng isang oras bago ako uminom ng tubig, ” sambit pa niya.

Natanong niya rin kung totoo nga’ng nawalan na ng boses si Ate Guy, kasi nga hindi siya makapaniwala. Siguro dahil sa matagal na siyang hindi kumakanta, dapat kasi i-exercise mo ang iyong voice para hindi ito mawala at bawasan ang pagyosi. Kasi nga, lahat ng nakilala kung mga smokers ay hindi tumataas ang kanilang boses.”

Samantala, espesyal ang b-day concert ni Dulce dahil makakasama niya ang Big Amp Band under the baton of Mel Villena, kasama ang mga guest performer na sina Ms. Pilita Corrales at Jed Madela. Produced by Ms. Jo Arboleda under the direction of Kokoy Jimenez.

For ticket inquiries please call 347-15-28 and 0922-881-6552. Alam mo na!!!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply