Dumayo ng tagay, kinatay

PATAY ang isang kapangalan ng yumaong artista na si Ramon Zamora matapos saksakin ng hindi pa nakilalang suspek nang dumayo ng inuman sa Malabon City Lunes ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng saksak sa dibdib si Ramon Zamora, 30 ng Solis St., Tondo, Manila.

Sa ulat, dakong 2:30 ng hapon nang makitang patay ang biktima sa Phase 2, Gozon Cmpd., Tonsuya.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa nasabing lugar bago nakitang patay.

Hinahanap naman ng mga pulis ang kainuman ng biktima na si Edgar Famoran ng nasabing lugar at tatlong hindi pa nakikilalang lalaki upang tanungin kung may nalalaman sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply