Dumpsite gumuho dahil kay Mina

HINDI nakayanan ang malaking volume ng tubig na ibinagsak ni Mina sa Hilagang Luzon  kaya gumuho ang tone-toneladang basura na naipon sa isang dumpsite sa lungsod ng Baguio na tumabon sa tatlong katao.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, kritikal pa rin ang kalagayan ng tatlong kataong natabunan ng gumuhong dumpsite sa Barangay Irisan, Baguio City.

Nabatid na natabunan ng gumuhong gabundok na basura ang mga biktima dahil hindi na nakayanan pa ng dumpsite ang patuloy na pananalasa ni Mina sa Northern Luzon.

May tatlong lalawigan ang inilagay sa Signal No. 4 bunsod ng inaasahang lakas at dami ng volume ng tubig na ibiubuhos ni Mina.

Bunsod nito ay ilang kabahayan din ang natabunan at nawasak bukod pa sa malawakang brownout na naganap kahapon sa maraming bayan sa mga laalwigang sakop ng Northern Luzon.

Kaugnay nito, kusang nagsilikas na ang mga residente na malapit sa dumpsite.

Samantala, unti-unti na ring nagtutungo sa mga evacuation centers ang iba pang mga pamilya na nakatira malapit sa paanan ng dumites ay kusang nagpuntahan na sa mga evacuation centers sa takot na muling pagguho ng tone-toneladang basura. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply