Dungca nagwagi sa 4×4 challenge race

BOTOLAN, Zambales— Namayani si Edison “Ton-ton” Dungca ng Angeles City 4-Wheel Drive Club, Inc. sa mahigit 23 mga iba pang mga offroad racers sa katatapos na 1st Gov. Jun Ebdane 4×4 Challenge na ginanap noong weekend sa Barangay Carael ng naturang munisipalidad.

Nakapagtala si Dungca ng impresibong over-all time na 5 minutes, 51 seconds at 40 milliseconds na sinundan naman ni Boyie Doblada ng San Jose Del Monte 4-Wheelers Club sa oras na 6:20:58. Pumangatlo sa naturang torneo si dating Pampanga 4th District congressman Rimpy Bondoc sa oras na 8:37:46.

Naitala din ni Dungca ang pinakamabilis sa final track ng championship round na oras na 2:06:36 kumpara sa 3:45:04 finish sa naunang dalawang elimination rounds sa Day 1 ng kompetisyon na naglagay sa kanya sa ikalawang puwesto.

Ang iba pang karerista na pumasok sa Top 10 matapos ang finals noong Linggo na sina: Jek Sason, fourth place, sa tiyempong 9:12:20; Roger Peyra, fifth, 9:32:26; Pol Herrera, sixth, 10:57:08; Rey Herrera, seventh, 12:20:06; JR Bartolome, eight, 18:10:47; Resty Sambilad, ninth, 22:22:34; and Omer Dungca, tenth place, sa oras na 33:40:37.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply