Dyip sumirko: sanggol, 9 pa sugatan

ISINUGOD sa Baguio General Hospital and Medical Center ang may 10 katao kabilang ang isang sanggol matapos masugatan sa bumaliktad na pampasaherong jeep na sinasakyan ng mga ito sa harap ng Baguio Cathedral sa Father Carlos Street kaninang umaga, Agosto 17.

Inaalam pa ng City Disaster Risk Reduction and Mangement Council (CDRRMC) ang pagkakakilanlan ng mga biktima na nagtamo ng minor injuries sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Pababa sana sa nasabing kalsada na malapit sa Session Road ang nasabing jeep na may rutang Trancoville (AVD-641) nang bumaligtad ito sa hindi pa malamang dahilan.

Kasalukuyan namang hawak na ng Baguio City PNP ang driver ng nasabing jeep at isinasailalim ngayon sa imbestigasyon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply