Eagles sigurado na sa Final Four

NAUNA ng dumapo sa playoff para sa Final Four twice-to-beat advantage ang three-time champion Ateneo Blue Eagles matapos nilang pigilin ang nagwawalang University of the East Red Warriors, 74-70, sa nagaganap na 74th UAAP men’s basketball tournament sa Big Dome kahapon (Huwebes, Agosto 25).

Si rookie Greg Slaughter ang kumana ng maraming puntos para sa Eagles, (19 puntos at sampung rebound) subalit si Emman Monfort ang pumatay sa momentum ng Red Warriors ng bumato ng magkasunod na tres sina Paul Zamar at JM Noble upang makadikit, 72-70.

Na foul si Monfort ni Red Warriors cager Roi Sumang upang tumira ng dalawang free throws para sa huling puntos ng Blue Eagles may 17 segundo pa ang nalalabi sa final canto.

Nasa solo top spot at malinis pa rin ang karta ng Ateneo na may 10-0 habang lugmok sa hulihan ng team standings ang UE na may 2-8 win-loss slate.

Samantala. sinalo ni Jeric Teng ang kamalasan ni Jeric Fortuna upang iangat ang University of Santo Tomas Growling Tigers laban sa La Salle Green Archers 60-52.

Umiskor ng 14 si Teng habang may tig -sampung puntos sina Chris Camus at Carmelo Afuang upang pumuwesto sa solo-fourth ang UST na may 5-5 slate.

Tumikada lamang ng 2-of-10 sa field goals at zero-of-eight sa three pointers si Fortuna.

Lumanding sa fifth to sixth spot ang Green Archers na may 4-6 record kasalo ang National University Bulldogs.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply