Early Recovery Plan ng ARMM patuloy na tinututukan

PATULOY na tinututkan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang implementasyon ng Early Recovery Plan na siyang nagpapatupad ng mga programang naglalayong matulungan ibalik sa normal ang kabuhayan ng mga pamilyang apektado ng pagsiklab ng karahasan.

Hindi pinababayaan ng liderato ng ARMM ang kapakanan ng mga naging biktima ng kaguluhan noong 2008 na umabot sa 8,000 pamilya.

Ayon kay ARMM executive secretary Naguib Sinarimo, 195 ang tinarget na return sites ng Early Recovery Plan para sa 8,000 Internally Displaced Persons (IDPs) sa rehiyon ang patuloy na pinupursigeng mahanapan ng paraan para ipatupad.

Sa ulat, 46 priority return sites ang tinayuan ng pabahay sa pamamagitan ng core shelter program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) gayundin ang tulong pangkabuhayan para sa
mahigit dalawang libong pamilya ng IDPs ang naisakatuparan simula noong nakaraang taon na nagsisilbing hamon dahil sa kakulangan ng pondo.

“Ngayon ang hamon sa atin kailangan natin mapunan ang natitirang return sites na hindi kasama doon sa prayoridad dahil ang mga IDPs na nandoon sa ibang return sites ay humihingi ng tulong na kahalintulad sa ibinigay natin doon sa priority na 46,” ani Sinarimbo.

Ayon kay Sinarimbo ang ginagawang pagrerepaso, ay upang makita ang implementasyon ng plano at malaman ang mga problema sa pagpapatupad dito upang palakasin at lalong mapabilis ang pagrekober ng mga IDPs.

Para kay Sinarimbo, naging matagumpay ang pagsasakatuparan ng Early Recovery Plan sa pagbaba ng bilang ng IDPs sa mga evacuation center sa rehiyon.

Ito ay bahagi rin ng paghahanda ng transition committee para sa pagsasalin ng pamumuno sa mga maitatalagang OIC sa ARMM caretaker government. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply