Ebdane haharapin ang alegasyong dawit siya sa 2004 poll fraud

EMOSYUNAL si dating Philippine National Police (PNP) Chief at ngayo ay Zambales Governor Hermogenes Ebdane sa pagsagot sa alegasyong siya ay dawit sa dayaan noong 2004 presidential elections.

Sa isang press conference, tahasang itinaggi ni Ebdane ang pagdadawit sda kanyang pangalan ng whistleblower na si Sr. Supt. Rafael Santiago sa umano’y election return (ER) switching.

Una nang inginuso ni Santiago si Ebdane na siya umano ang nag-utos sa PNP Special Action Force (SAF) noong Enero 2005 para palitan ng peke ang mga orihinal na ER sa nasabing halalan.

Ayon kay Ebdane, handa siyang sagutin sa tamang forum ang lahat ng alegasyon laban sa kanya.

Habang sinasagot ang mga paratang sa kanya ay di na napigilan ni Ebdane ang emosyon at nag-walkout.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply