‘Economic sabotage’ vs Big 3, ikakasa na

HIHINGI ng payo ang transport group na Pasang Masda sa kanilang mga abogado para talakayin ang isasampang kaso laban sa mga kumpanya ng langis.

Ito ay dahil sa umano’y kakarampot na rollback sa kabila ng pagbagsak ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon kay Pasang Masda national president Roberto “Ka Obet” Martin, posibleng economic sabotage ang kanilang ikaso at aalamin pa sa kanilang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio ang iba pang kaso na maaari nilang ihain sa korte.

Giit ni Martin, kulang na nga, hindi pa natupad ang P2 rollback na inirekomenda ng Department of Energy sa mga kumpanya ng langis.

Sa kabila naman ng hindi sapat na rollback, hindi muna itutuloy ng Pasang Masda ang hirit sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maging P8.50 ang minimum na pasahe sa jeep sa unang apat na kilometro.

Gayunpaman, ikinakasa na ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston)ang malawakang kilos-protesta laban sa overpricing sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa panayam, tumanggi muna si Piston secretary-general George San Mateo na sabihin ang eksaktong petsa ng protesta at ihahayag na lang ito sa ipatatawag na press conference sa mga susunod na linggo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply